- Back to Home »
- Random , travel »
- Vietnam...
Posted by : Francisco Munoz
Tuesday, June 19, 2012
Yo! sa two years na pagkawala ko... (katamaran magpost) eh kung san san na rin ako nakapaglakwatsa... ang pinakahuli kong napuntahan eh ang Vietnam...
Kumpara sa ibang lugar na napuntahan ko kakaiba ang Vietnam...
nasa kanya yung hinahanap kong "culture adventure" di katulad ng iba na ang pakay lang sa kanilang mga bakasyon ay mamili at magrelax... gusto ko ring makita kung ano ang akultura ng lugar na aking binibisita...
At nakita ko yun sa vietnam mula sa uri ng transportasyon na kanilang nakasanayan hanggang sa trip nilang gawin kapag gusto nilang magpalipas ng oras....
Kape at Motor...
Mahilig ang mga Vietnamese sa kape... iba't ibang uri ng kape... hot, cold or iced... pero ang kinaibahan sa kanila hindi tulad sa Pilipinas na gustong gusto ng mga taong uminom ng kape sa loob ng mall or ng mararangyang establishment... mas gusto o baka sadyang nakasanayan lang ng mga Vietnamese na magkape sa kalsada... tumambay kumbaga.... nakakatuwang tignan na bawat kanto may nagkukumpulan at nagkakape... kung dito sa atin may mga tomador sa kanto sa kanila may nagkakape :) astig... napansin ko din na lahat halos ng tao sa kanila ay nakamotor...napakadalang makakita ng mga lokal na naglalakad... ang cute tignan na halos lahat ng pumapasok ng mga malls, fastfood at iba pang establishment eh nagpapark ng kani kanilang motor... at take note maayos ang sistema nila :)